Quantcast
Channel: Pogi4Life
Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Malditang inosente by Odette Galino

$
0
0

Malditang Inosente
By Odette Galino 
 ---------------------------

Sa murang edad lumalabas ang pagkamaldita ko, pero hindi ko ramdam iyon dahil nga inosente siguro.

Naiinis ako sa kuya Erning ko dahil sa ginugulangan ako sa pag-hugas ng plato. Araw-araw may nakatoka kung sino maghuhugas ng plato; at, sa madaling salita, wala akong nagawa kung hindi hugasan ang plato at maglinis. Sa inis ko, pinag-isipin ko talaga kung paano ako makakaganti. Nakita ko siya bago matulog: inaayos niya ang mga gamit niya sa school. At nabuo plano.


Hinintay ko na makatulog ang lahat. Kinuha ko ang bag at itinapat sa gripo na patak-patak ang tulo ng tubig. Kinaumagahan, pumasok ako ng maaga. Pagdating ng tanghali nagkunwari
akong walang  nagawang masama, at tinanong ko pa si kuya Erning. "Umabsent ka ba? Hinahanap kita kanina sa room mo."

Hindi ako kinibo, pero tinatawag ako ni Tatay at tinanong bakit ko itinapat ang bag sa gripo. Hala, buking ang malditang bata, napadapa at nakatikim ng palo ng sinturon.


Makaraan ang ilang linggo naulit ang panggugulang ng kuya Erning; same story, paghuhugas ng plato; at ang masama pa, pina-extend pa ang araw na paghugas ko ng plato -- imbes na isang gabi lang ay ginawa pang tatlong araw.


Isang hapon nakita kong himbing na himbing siyang natutulog. Nakataas ang isang braso niya na nakapatong sa noo niya. Aha... Dahil sa makapal ang buhok niya sa kili-kili, unti-unti kong ginupit na halos makalbo. Nagising siya dahil sa nagliliparan ang mga buhok ng kili-kili niya sa ilong niya. Pagkakita niya sa kili-kili niya yung isa ay maraming buhok at iyong isa kalbo! 


Hindi na alam ng Tatay Kung papaluin pa ako dahil sa natawa sila sa nakita nila.


At sa simula noon never na akong nagulangan sa paghugas ng plato.


Hindi ko pa rin alam kung bakit: Ganoon ba talaga mag-isip ang Malditang Inosente? :-)



Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Trending Articles