Quantcast
Channel: Pogi4Life
Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Mikropono by Odette Galino

$
0
0


Winner
Mikropono
By Odette Galino
------------------------

Aminado ako na wala akong talent sa pag-awit. Ako mismo ang nagsasabi sa sarili ko na SS (sobrang sintunado). Kaya bigo ako sa pagsali sa mga singing contest na pinaparangap ko. Inggit na inggit ako sa mga kasamahan namin sa trabaho sa People's Tonight na magagaling kumanta, tulad nila Cherrie Anne Evangelio Villahermosa,  Bayani Alamag, Aser Gallon, Mavic zeta Balatbat at marami pang iba.

Minsan naayang gumimik, kantahan, at pinilit akong kumanta ng mga kasamahan. Napilitan, at kahit nahihiya ay humawak ng mikropono. Walang akong alam na kanta, basta nakita ko lang sa list ng mga songs ay ang Killing Me Sofly by Roberta Flack. Grammy for record of the year ang napili ko. Akalain mo, nai-deliver ko nang maayos ang kanta . Ha ha ha! Nagtataka lang ako at walang kumontra, or dahil sa mga kaibigan ko sila? Pero nag-request pa sila na umawit daw uli ako. Simula noon, nasabi ko sa sarili ko na mas kailangan pa ng lakas ng loob.

***
Christmas Party. Lahat ay welcome na sumali sa singing contest sa aming department. People's Tonight ako noon. Magagaling ang aking naging katunggali, pero ang BFF kung si Cherrie Anne ang matindi kung kalaban. Kung hindi ako nagkakamali ang inawit niya ay Hiram ni Zsa Zsa Padilla. Kinabahan ako kasi 95 ang na-score niya sa videoke. Lahat ng sumali kampante dahil sa matataas ang mga score nila. Pero sabi nga, showdown walang atrasan.


Ako na po ang sumalang sa entablado at binanatan ko sila ng Dancing Queen by ABBA. Pagkatapos kong umawit, walang kurapan ng mata. Nakuha ko ang 100% -- Perfect! Ako ang nagwagi! Maging ang isa naming BFF na si Lyn Lirio hindi makapaniwala. First prize na P1,000 ang panalo ko.

Ang bait talaga ni Lord, tinupad niya ang pangarap ko na makasali at manalo sa singing contest. Kaya lalo na akong nagpursige: practise, practise. Kumakanta-kanta na rin ako ng Chrip Cheep Cheep (composed by Lally Stott), I Will Survive, at marami pang iba.

But I never tried to sing My Way: baka mapaaga kasi matapos ang career ko.


Iyan ang tinatawag na, Kung gusto mo magpasaya ng tao, umawit ka lang ng buong-buo sa loob mo; sigurado meron at meron din makikinig.

Ito ang katibayan: Inaabot sa akin ni Atty. Berteni "Toto" Causing ang 
aking panalo bilang 1st prize winner sa Singing Contest.

 Inaabot ni Atty. Berteni "Toto" Causing kay Binibining Cherrie Anne 
Evangelio Villahermosa ang kanyang panalong 2nd prize.

Tinatanggap ni Abner Galino ang kanyang panalo bilang 3rd prize. 
(Hindi ba halatang mukang naluto ang laban? ha ha ha!)
Ganito kami noon kasaya sa People's Tonight.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Trending Articles